Manila, Philippines – Masusi ang naging pananaliksik ng Nathan Studios sa pagsasapelikula ng kuwento tungkol sa mga may Down Syndrome.
Dito kasi iikot ang kuwento ni Jiro (played by Earl Amaba) at ni Jessica (Kristel Go) sa MMFF 2025 entry na I’m Perfect.
And what better way to show the daily struggles in their life–as well as sa ibang may ganito ring pinagdadaanan–than to embark on an extensive research to ensure accuracy sa paglalahad ng kuwento?
Kinailangang makipag-ugnayan ang Nathan Studios sa mga organisasyon tulad ng Down Syndrome of the Philippines, Best Buddies Philippines at Special Olympics Pilipinas.
Siyempre, the process needed several face-to-face meetings and sessions–mga paliwanagan na nagbigay ng pagkakataon sa producer na si Sylvia Sanchez to justify: why produce a film dealing with Down Syndrome?
Dito na inilatag ni Sylvia ang kanyang layunin–best of all, her mission.
Napag-alaman kasi na may pamangkin ang aktres-produ na meron nito.
Meron din nga rin siyang pamangking merong cerebral palsy.
Hence, handog ito ni Ibyang sa lahat ng may mga Down Syndrome for people to understand them more–‘yung hindi sila maging biktima ng shaming o pang-iinsulto if seen in public.
lle-level up pa nga ito ni lbyang dahil God willing, determinado siyang makipagtulungan sa anak na si Quezon City Representative Arjo Atayde para magtayo sa District 1 ng diagnostic center para sa mga may Down Syndrome.