Manila, Philippines – Masayang-masaya si Sylvia Sanchez kapag nakakasama ang apo kay Ria Atayde at Zanjoe Marudo na si Sabino. Unang apo kasi niya ito kaya naman ganu’n na lamang ang atensyon na binibigay niya rito.
Spoiled nga raw kay Sylvia ang baby dahil madalas ay ipinagsa-shopping niya ito ng mga gamit.
Hindi naman maiwasan na itanong sa award-winning actress kung gusto na rin ba niyang magkaapo kina Arjo Atayde at Maine Mendoza. Kung iisipin kasi ay mas nauna silang ikinasal.
Sey ni Sylvia, ayaw pa raw niya munang umasa ngayon dahil desisyon naman daw ng mag- asawa na i-enjoy muna ang buhay na magkasama sila.
Sabi raw ni Congressman Arjo ay aayusin muna raw nito ang dapat ayusin saka daw sila mag-aanak.
Sagot daw ni Sylvia ay, “Okay bahala kayo.”
So, hindi na raw nila pinag-usapan.
Hindi raw alam ng aktres kung kailan nila balak. Ang sinasabi raw ng mag-asawa ay after two years. Pero hopefully nga raw.
Samantala, busy rin si Sylvia hindi lamang sa pag-arte kundi sa pagpo-produce ng pelikula.
This time ay co-producer ang Nathan Studios sa film maker na si Alemberg sa isang Japanese movie na may titulong Renoir na nakasali sa 78th Cannes International Film Festival nu’ng nakaraang buwan. Rommel Placente