Home NATIONWIDE Sitwasyon ng mpox sa bansa kontrolado – DOH

Sitwasyon ng mpox sa bansa kontrolado – DOH

MANILA, Philippines – Sa kabila ng pagtaas ng kaso ng mpox sa Pilipinas, sinabi ng Department of Health (DOH) na ang sitwasyon ay under control at ang bansa ay kabilang sa public health emergency of international concern na inilabas ng World Health Organization (WHO).

Sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa na sa kabila ng pagtaas ng local mpox cases, ang bilang ay mababa sa naitalang bilang sa parehong panahon noong 2024.

Hindi tinukoy ni Herbosa ang eksaktong mga lokasyon kung saan naiulat ang mga bagong kaso ng Mpox ngunit sinabing ang sakit ay nasa mas banayad na variant na Clade II kumpara sa Clade I na may mas mataas na mortality rate.

Sa ilalim ng Clade II classification, ang mga kaso ng Mpox ay self-limiting o maaaring gumaling nang mag-isa at hindi nangangailanan ng close-in intervention mula sa gobyerno. Jocelyn Tabangcura-Domenden