Home ENTERTAINMENT Sylvia, nakatagpo ng kakampi kay Ynez!

Sylvia, nakatagpo ng kakampi kay Ynez!

280
0

Manila, Philippines — Bukod kay Alma Concepcion, nakahanap din ng kakampi si Sylvia Sanchez at pamilya nito sa katauhan ng kapwa artista na si Ynez Veneracion.

Isang mahabang post ang ibinahagi ni Ynez sa Facebook nitong Setyembre 11 habang inalala niya kung paano siya naging malapit sa multi-awarded actress.

Nalalagay kasi ngayon sa isyu ang ina ni Quezon City First District Rep. Arjo Atayde na si Sylvia, na isinasangkot sa korapsyon kaugnay ng mga DPWH flood control projects.

Kinukuwestyon tuloy ang bonggang lifestyle ng pamilya Atayde, kabilang ang ilang ari-arian.

Ayon kay Ynez, taong 2016 daw nang magkakilala sila ni Sylvia.

Inakala raw niya noon na “untouchable” ang aktres dahil mataas ang estado nito sa buhay. Pero nagkamali siya dahil may mabuti raw itong puso.

Ang ikinaantig pa ng damdamin ni Ynez ay kung paanong itrato ni Sylvia ang ibang tao — “with humility, respect and love.”

Aminado si Ynez na wala siyang nalalaman sa lawak ng kayamanan nito. Ang alam lang daw niya ay katas iyon ng hard work at pagpupursige ng pamilya Atayde “without shortcuts.”

Iginiit pa ni Ynez na may alam siya tungkol sa mga assets ng pamilya, at ang mga akusasyong magnanakaw sila ay walang katotohanan: “Those trying to tarnish the Atayde family’s reputation are peddling lies and inconsistencies.”

Dagdag pa niya, ang totoong magnanakaw ay hindi lang pera ang kinukulimbat kundi pati ang katotohanan: “stealing from the truth.”

Inaanak din pala ni Sylvia ang anak ni Ynez kaya aniya ay kilala niya nang lubos ang aktres.

Nangako pa si Ynez na nasa likod siya nina Sylvia at ng pamilya nito bilang pagpapakita ng suporta.

Dagdag niya, bago pa raw pinasok ni Arjo ang pulitika ay maayos na ang buhay nito at hindi kailangang mangurakot.

—Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here