Home METRO Taas-minimum wage, dagdag-sahod sa kasambahay aprub sa Davao Region

Taas-minimum wage, dagdag-sahod sa kasambahay aprub sa Davao Region

262
0

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-XI (RTWPB-XI) ang dagdag-sahod para sa minimum wage earners at kasambahay sa Davao Region, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Miyerkules.

Kinumpirma ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang Wage Order No. RB XI-24 at Wage Order No. RB XI-DW-04, na nagkakaloob ng dagdag na PHP20 sa arawang sahod ng mga manggagawa sa agriculture sector at PHP30 naman sa non-agriculture sector, gayundin ang PHP500 na dagdag sa buwanang sahod ng kasambahay.

Ipapatupad ang wage increase sa dalawang tranche, kung saan ang unang bahagi ay ibibigay sa oras na magkabisa ang wage order at ang ikalawa ay sa Setyembre 1, 2026.

Sa ganap na implementasyon, tataas ang minimum daily wage mula PHP505 hanggang PHP525 sa agriculture sector at mula PHP510 hanggang PHP540 sa non-agriculture sector, na makikinabang ang tinatayang 66,772 manggagawa.

Makakatanggap din ng dagdag na PHP500 kada buwan ang kasambahay sa chartered cities at first-class municipalities, at PHP1,500 naman sa iba pang munisipalidad, na magtataas sa minimum monthly wage sa PHP6,500 at makikinabang ang 64,111 domestic workers.

Magkakabisa ang wage order sa Marso 13. Maaaring mag-apply ng exemption hanggang Mayo 11 ang retail at service establishments na may hindi hihigit sa 10 empleyado, gayundin ang mga negosyong naapektuhan ng kalamidad.

Hindi saklaw ng minimum wage law sa ilalim ng Republic Act 9178 ang Barangay Micro Business Enterprises na may valid certificate mula sa Department of Trade and Industry. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here