Home OPINION TAAS-PRESYO NG LANGIS NAKAHAHAYBLAD

TAAS-PRESYO NG LANGIS NAKAHAHAYBLAD

160
0

NAKAHAHAYBLAD na sa lahat ang napakataas nang presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon mismo sa Department of Energy, sa Metro Manila, noong Pebrero 24-Marso 2, 2026, nagkalahaga ang kada litrong diesel ng P48-P73.61 ngunit tumaas ito noong Marso 24-Marso 30 sa P105-P130 kada litro.

Sa gasolina, tumaas ang presyo noong Marso 24-Marso 30 sa P84-P111.10 mula sa P50-P77.03 bago ang giyera sa pagitan ng United States-Israel laban sa Iran.

Ang totoo, galing ang pitak na ito sa Aparri, Cagayan at iniwan ang presyong P150 kada litrong diesel at P115 kada litrong gasolina.

Bukas, inaasahang tataas sa P170 kada litro ang diesel at tataas din ang gasolina, kerosene, at liquified petroleum gas na dumoble na rin ang presyo mula P800-P900 sa P1,600 kada 11 kilong tangke.

Ang masakit pa, bagama’t ipinagyayabang ng pamahalaang Marcos na may suplay tayo ng krudo at mga produktong petrolyo sa dalawang buhay at may darating pa, hindi ito naman nito napipigilan ang tuloy-tuloy na taas-presyo rito.

Isipin pang palala nang palala ang giyera at maaaring magtagal ng ilang buwan habang aabutin naman ng 6 na buwan hanggang 1 taon ang repair ng lahat ng nasirang mga pasilidad sa Middle East na 98% pinanggagalingan ng krudo ng Pinas.

Pinakamasakit, mga Bro, ang kawalan ng bayag ng pamahalaan na magpatupad ng emergency action dito.

Akalain mo, kikilos lang ang gobyerno na magtapyas o magsuspinde ng excise tax na P10 sa gasolina, P6 sa diesel at tig-P3 sa kerosene at LPG sa Abril 12.

Dedma rin ito sa panawagan na buwagin ang Oil Deregulation Law na gamit ng oil companies sa walang habas na pagtataas ng presyo ng krudo at produktong petrolyo dahil pinagbabawalan ng batas na ito na makialam ang gobyerno sa pagprepresyo.

Hanggang impeachment na lang ba ang gobyerno at ayuda na kakaunti lang ang nagbebenepisyo at hindi lahat ng mamamayan?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here