MANILA, Philippines – Kailangang maghigpit ng sinturon ang mga mamimili sa susunod an buwan matapos aprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kahilingan ng mga manufactrer para sa price adjustments para sa mahigit 60 items ng pangunahing bilihin at prime commodities (BNPC).
Nitong Huwebes, sinabi ni Trade secretary Cristina Roque na sa 217 BNPC sa suggested retail price (SRP) bulletin na inilabas ng DTI, “72% lang ang hindi magkakaroon ng anumang pagtaas ng presyo… ang pagtaas ng presyo ay para sa [natitira] 28%… kaya nasa 63 items.
Sinabi ni Roque na ang mga inaprubahang price adjustments ay mas mababa sa 5% at bahagyang mas mababa sa 10%.
Ayon pa kay ROque, naiintindihan nila ang panig ng mga manufacturers sa pag-apruba sa kanilang kahilingan para sa taas presyo ng ilang BNPCs.
Ilan sa mga produkto na inaprubahan para sa price adjusments ay ang canned sardines, kandila, battery, at powdered milk.
Sinabi ng DTI na ang ahensya ay maglalabas ng updated SRP bulletin para sa BNPCs sa susunod na buwan. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)