Home NATIONWIDE Taas-presyo sa produktong petrolyo, asahan sa susunod na linggo

Taas-presyo sa produktong petrolyo, asahan sa susunod na linggo

285
0

MANILA, Philippines – Asahan na ang halos P2 kada litro na dagdag sa presyo ng gasolina sa susunod na linggo.

Sa pinakahuling trading, inaasahan ang P1.70 hanggang P1.90 kada litro ng dagdag sa presyo ng gasolina, habang P1.00 hanggang P1.20 kada litro na dagdag naman sa presyo ng diesel.

Samantala, inaasahan din ang P0.80 hanggang P1.20 kada litro na dagdag sa presyo ng kerosene.

Ayon kay Rodela Romero, assistant director ng DOE Oil Industry Management Bureau, ang taas-presyo sa produktong petrolyo ay sanhi ng sanction ng Estados Unidos sa mga nagbebenta ng Russian at Iranian oil.

Malakas din ang demand sa gasolina sa US. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here