Home NATIONWIDE ‘Hottest July on record’ sa Japan, naitala

‘Hottest July on record’ sa Japan, naitala

241
0

JAPAN — Naitala ng Japan ang pinakamainit na buwan ng Hulyo mula nang magsimula ang record-keeping noong 1898, ayon sa ulat ng Japan Meteorological Agency nitong Biyernes, Agosto 1 kasabay ng babala ng mas matinding init sa mga darating pang linggo.

Ayon sa mga siyentipiko, ang mas madalas at mas matinding heatwaves ay epekto ng climate change na dulot ng tao.

Tumaas ng 2.89°C ang average temperature ng bansa ngayong Hulyo kumpara sa karaniwang temperatura mula 1991 hanggang 2020 na pinakamataas sa kasaysayan.

Ikalawang sunod na taon na ring nagtala ng record-breaking average temperature ang bansa para sa buwang ito.

Noong Hulyo 30, naitala rin ang pinakamataas na temperatura sa kasaysayan ng Japan sa 41.2°C sa Hyogo.

Inaasahan ng weather agency na magpapatuloy ang matinding init sa buong bansa sa susunod na buwan.

Bumaba rin ang antas ng ulan sa malawak na bahagi ng Japan, at sa mga rehiyong nakaharap sa Sea of Japan sa hilaga, naitala ang pinakamababang ulan sa kasaysayan.

Tatlong linggo ring mas maagang nagtapos ang tag-ulan sa kanlurang Japan kumpara sa karaniwan.

Nagbabala rin ang mga eksperto na apektado na maging ang mga cherry blossoms ng bansa.

Mas maaga na umano itong mamumukadkad o kaya’y hindi na lubusang mamumulaklak dahil sa kakulangan ng lamig sa taglagas at taglamig na kailangan para simulan ang pamumulaklak.

Noong nakaraang taon, naitala rin ang pinakamahabang panahon na walang niyebe ang tuktok ng Mount Fuji, na karaniwang nagkakaroon ng snowcap sa unang bahagi ng Oktubre, ngunit umabot ng Nobyembre bago ito lumitaw. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here