Home HOME BANNER STORY Taas-presyo sa produktong petrolyo gugulong sa Martes

Taas-presyo sa produktong petrolyo gugulong sa Martes

MANILA, Philippines- Asahan na ng mga motorista ang dagdag-presyo sa produktong petrolyo simula sa Martes, sa pag-anunsyo ng mga kompanya nitong Lunes ang upward adjustment kasunod ng rollback noong nakaraang linggo.

Sa abiso, sinabi ng Shell Pilipinas Corp. na itataas nito ang presyo ng gasolina ng P1.15, diesel ng P1.10, at kerosene ng P0.80.

Ipatutupad din ng Cleanfuel ang parehong pagbabago, maliban sa kerosene.

Epektibo ang adjustments ng alas-6 ng umaga ng Martes, Nobyembre 26, para sa Shell habang paiiralin ito ng Cleanfuel ng alas-4:01 ng hapon sa parehong araw.

Noong nakaraang linggo, tinapyasan ng mga kompanya ang presyo kada litro ng gasolina ng P0.85, diesel ng P0.75, at kerosene ng P0.90. RNT/SA