Home ENTERTAINMENT Alex, inokray na naman ng netizen!

Alex, inokray na naman ng netizen!

Manila, Philippines- Ginagawa na namang pulutan ng mga netizens si Alex Gonzaga pagkatapos ng rebelasyon ni JC de Vera.

May ilan kasing kuwentong ibinahagi ang aktor sa kanyang guesting sa show ni Stanley Chi sa One News Ph kamakailan lang.

One of JC’s anecdotes was about Alex.

Nangyari raw ito noong bago pa lang si JC sa TV5.

Naabutan na ng aktor si Alex who was already co-hosting Juicy, a showbiz-oriented show.

Entonces, hindi pa raw sila close sa isa’t isa.

“Napagtripan” daw ni Alex ang Oakley shades ni JC.

Tinanong daw siya kung original ba ‘yon, and JC said yes.

Sa loob-loob daw ng aktor, “off” ang tanong ni Alex since they weren’t that close yet.

Eventually nama’y naging malapit na raw sila sa isa’t isa.

Pero hindi mabubura ang katotohanang may pagka-condescending ang tanong ni Alex, kahit pa sabihing joke lang ‘yon.

Ending–nag-react ang mga netizens na tila may kung anong aversion toward Alex.

Sey ng isang netizen: “Hindi mabibili ng milyones mo ang good manners!

“Huwag mong igaya lahat ng mga binibiro mo kay Luis Manzano!”

Hirit ng isa pa: “Alamin mo muna kung off o hindi ang biro mo!”

Sinisisi naman ng isang netizen ang wala sa lugar na hirit ni Alex: “Kaya nawawalan ka tuloy ng TV projects, eh!”

Sa totoo lang, ‘yung ganoong asal ni Alex reminds most people in showbiz of Kris Aquino.

Noong aktibo pa si Kris, madalas niyang pansinin ang kasuotan ng mga nagge-guest sa show niya.

May instance ngang lumapit pa siya sa isang artista at sinipat ang etiketa sa suot nitong pang-itaas to check kung signature ito.

Nag-“reincarnate” yata si Kris sa katauhan ni Alex!

In fairness, may manners naman si Kris! Ronnie Carrasco III