Home NATIONWIDE Taas-sahod ipatutupad ng DOLE ‘pag inaprubahan ng Kongreso

Taas-sahod ipatutupad ng DOLE ‘pag inaprubahan ng Kongreso

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na tatalima kung magpasya ang Kongreso na bigyan ng across-the-board legislated wage increase para sa mga manggagawa sa buong bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOLE na ang tungkulin nito ay tiyakin na ang mga pagsasaayos ng minimum wage ay ginagawa ng kasalukuyang wage system na itinatag ng Kongreso.

“The DOLE is not in a positionto restrict the exercise of this power much less reject it”, pahayag ng labor department.

Sa ilalim ng kasalukuyang sistema, sinabi ng DOLE na itinalaga ng Kongreso ang kapangyarihang ayusin ang minimum na sahod sa regional level na may partisipasyon ng mga kinatawan ng mga manggagawa at employer sa regional tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs).

Ang proseso ay sasailalim ng superbisyon National wages and productivity Commission (NWPC) , ang attached agency ng DOLE.

Noong 2013, ipinasa ng Kongreso ang RA 10361 o ang batas Kasambahay, na nagbibigay sa RTWPBs ng mandato na magtakda ng minimum wage para sa domestic o household workers.

Noong Labor Day, ipinag-utos naman ni Pangulong Ferdiannd “Bongbong” Marcos Jr sa RTWPBs na pag-aralan ang regional minimum wage rates sa loob ng 60 araw mula sa petsa ng anibersaryo ng pinakahuling wage order sa kinauukulang rehiyon.

Matapos ang direktiba ng Pangulo, ang DOLE sa pamamagitan ng NWPC ay naglabas ng isang resolusyon na nag-uutos sa mga RTWPB na simulant ang napapanahong pagsusuri sa minimum na sahod.

Ang RTWPB sa National Capial Region ay nagtakda ng public consultation sa Hulyo 16. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)