Home HOME BANNER STORY Tacloban shooting at Cavite stabbings, ‘isolated cases’ — DepEd

Tacloban shooting at Cavite stabbings, ‘isolated cases’ — DepEd

9
0

MANILA, Philippines — Itinuturing pa rin ng Department of Education (DepEd) na mga hiwalay o isolated cases ang madugong pamamaril sa Tacloban City at dalawang magkahiwalay na insidente ng pananaksak sa Cavite sa kabila ng lumalaking pangamba sa kaligtasan ng mga mag-aaral.

Ayon kay DepEd Undersecretary Malcolm Garma, wala pang sapat na basehan upang ituring na bahagi ng mas malawak na trend ang mga naturang insidente.

“As of now, we still can consider these as isolated cases, considering the number of schools all over the Philippines,” ani Garma.

Gayunman, sinabi ng opisyal na rerepasuhin pa rin ng DepEd ang umiiral na seguridad sa mga paaralan at komunidad upang maiwasan ang kaparehong pangyayari.

Nakikipag-ugnayan na rin umano ang ahensya sa Philippine National Police, mga opisyal ng barangay, tanod at iba pang community security groups upang mapalakas ang mga hakbang sa seguridad sa paligid ng mga paaralan.

Kasunod nito, muling nabigyang-pansin ang kakulangan ng guidance counselors at mental health support sa mga paaralan. Inamin ni Garma na patuloy na nahihirapan ang DepEd sa pagkuha ng mga lisensyadong guidance counselor kaya’t nagha-hire ito ng mga guidance counselor associate upang tumulong sa mga mag-aaral.

Samantala, nakatuon sa ngayon ang DepEd sa pagbibigay ng psychosocial support sa mga biktima ng pamamaril sa Tacloban City at kanilang mga pamilya.

“Our priority is really to make sure that the victims are being treated and accommodated well and ample support and assistance are given to the victims and their families,” dagdag ni Garma. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here