Home METRO Manhunt ops ikinasa vs namaril sa parak na nagdarasal sa Mosque

Manhunt ops ikinasa vs namaril sa parak na nagdarasal sa Mosque

3
0

MANILA, Philippines – Iniutos ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. ang malawakang manhunt operation laban sa hindi pa nakikilalang gunman na bumaril at pumatay sa isang pulis sa loob ng mosque sa Madamba, Lanao del Sur.

Kinilala ang biktima na si Police Chief Master Sergeant Alioden Sarangani ng Madamba Municipal Police Station. Off-duty umano siya at nagsasagawa ng isha o panggabing panalanging Islamiko nang lapitan at barilin sa ulo ng suspek sa loob ng mosque sa Barangay Uyaan Proper bandang alas-7:40 ng gabi noong Hunyo 20.

“The Philippine National Police strongly condemns this brutal attack on one of our personnel, especially in a place of worship,” pahayag ni Nartatez.

Patuloy pang inaalam ng mga imbestigador ang motibo sa krimen. Inatasan na ang Police Regional Office sa Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) na paigtingin ang intelligence at operational efforts upang matukoy ang pagkakakilanlan at posibleng koneksyon ng suspek.

“I have ordered the RD, PRO BAR and neighboring regional offices to deploy all available intelligence and tactical resources in an intensified, border-to-border manhunt to bring all those responsible to justice,” ani Nartatez.

Pinalakas na rin ng PNP ang security presence sa iba’t ibang bahagi ng Lanao del Sur habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

“To the family of Police Chief Master Sergeant Sarangani, the entire Philippine National Police stands with you in grief, and we assure you that his ultimate sacrifice while in a sacred house of prayer will not be in vain,” dagdag niya.

Tiniyak din ng PNP chief sa mga residente ng lalawigan na magpapatuloy ang mga hakbang upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa komunidad. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here