Home NATIONWIDE Tagumpay ng anti-drug ops sa ilalim ng batas, karapatang pantao, iginiit ng...

Tagumpay ng anti-drug ops sa ilalim ng batas, karapatang pantao, iginiit ng PNP

191
0

MANILA, Philippines – Habang muling pinaguusapan ang marahas na kampanya kontra droga dahil sa paglalagay ng dating mataas na opisyal ng pulisya bilang co-perpetrators sa kaso sa International Criminal Court (ICC), iginiit ng Philippine National Police (PNP) na malaki ang tagumpay ng bansa sa kampanya laban sa ilegal na droga nang naaayon sa karapatang pantao at batas.

Ayon kay PNP Chief Jose Melencio C. Nartatez Jr., mahalaga ang disiplina, integridad, at propesyonalismo ng pulisya upang matugunan ang mataas na inaasahan ng publiko.

“The Philippine National Police remains focused on sustaining and even surpassing the country’s achievements in the drug campaign—both in the aspects of confiscation of illegal drugs and arrest of illegal drug personalities, particularly on the supply side,” ani Nartatez.

“…all our operations strictly follow the police operational procedures that are anchored on integrity and the rule of law as part of our continuous efforts to win the trust and respect of the Filipino people,” dagdag niya.

Ang pahayag ng PNP ay kasunod ng pagbanggit sa ICC kina dating PNP chiefs Ronald dela Rosa at Oscar Albayalde dating PNP officer-in-charge Vicente Danaoulong Rodrigo Duterte sa Davao City. Kasama rin sa listahan sina dating Special Assistant to the President Bong Go, dating NBI director Danter Gierran, at dating PDEA director general Isidro Lapeña.

Tinatayang higit 6,000 ang namatay sa police operations at libo pa sa vigilante groups sa loob ng anim na taon, kabilang ang mga menor de edad.

Sa ilalim ng administrasyong Marcos, sa pamamagitan ng unang PNP chief na si Rodolfo Azurin, binago ang estratehiya sa anti-drug campaign—mas kaunting marahas na operasyon at pagbibigay ng pagkakataon sa drug users na magbago. Ito rin ang naging sanhi ng tensyon sa pagitan ni Azurin at dela Rosa.

Ayon kay Jonvic Remulla, napatunayan ng Marcos admin na maaring maging matagumpay ang kampanya laban sa droga nang walang karahasan.

Ani Nartatez, tuloy-tuloy at intelligence-driven ang drug operations, at hindi lamang target ang maliliit na users at pushers.

“The series of successful operations in the past few years is proof that we are making significant gains in running after high-value targets and in disrupting the supply network of illegal drugs syndicates,” dagdag niya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here