Home NATIONWIDE Tagumpay ng tech-voc, job fair binigyang-diin ni PBBM

Tagumpay ng tech-voc, job fair binigyang-diin ni PBBM

79
0

MANILA, Philippines – IBINAHAGI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mahigit sa 250,000 job seekers ang ‘on the spot’ na natanggap sa job fairs at mahigit limang milyon ang nag na-gradweyt mula sa Technical Education and Skills Development Authority’s Technical-Vocational Education and Training (TVET) simula nang maupo siya bilang Ama ng Pilipinas noong 2022.

“Mula [Hulyo] ng 2022 hanggang Pebrero ngayong taon, lagpas 6,600 job fair na ang naganap natin sa buong bansa. Higit isang milyon at kalahating job seeker ang ating inalalayan. At sa bilang na ito, lagpas 250,000 jobseeker ang hired on the spot,” ang bahagi ng talumpati ni Pangulong Marcos para sa 124TH LABOR DAY CELEBRATION sa KCC Convention and Events Center, KCC Mall of GenSan, Brgy. Lagao, General Santos City.

Sinabi pa niya na ang job fairs na idinadaos sa 94 lugar sa buong bansa ngayong Araw ng Paggawa, nag-aalok ng 150,000 job openings.

“Pinagtibay natin ang edukasyon at training program upang tumugon sa nagbabagong pangangailangan ng labor market. Sa ating Administrasyon, lampas sa limang milyong estudyante na ang nakatapos sa ilalim ng TVET,” aniya pa rin.

Binigyang diin din ng Pangulo na sa pamamagitan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards, 89 wage orders ang ipinalabas mula June 2023 hanggang April 2026, kabilang na ang umento sa sahod na epektibo ngayong araw, Mayo 1 sa Region X at Region XIII.

Ang arawang sahod ng manggagawa sa lugar na ito ay tumaas na sa P500 at P475.

Samantala, hinikayat naman ni Pangulong Marcos ang mga manggagawang Filipino na magpatuloy lamang sa kabila ng kasalukuyang kinahaharap na mga hamon.

“Mga kababayan, may isang salitang Bisaya na may nakakaantig [na] kahulugan: Padayon. Patuloy lang. Tuloy-tuloy ang hanapbuhay ng manggagawang Pilipino. Tuloy-tuloy ang suporta ng pamahalaan. Dahil,sa patuloy na pagkilos, malalampasan din natin ang lahat ng hamon,” ang tinuran ng Pangulo.

“Hangad natin ay disenteng trabaho para sa ating mga manggagawa tungo sa isang Bagong Pilipinas,” diing pahayag ni Pangulong Marcos. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here