TEHRAN, Iran – Iginiit ng Iran na nagtagumpay ito sa laban sa gitna ng digmaan sa pagitan ng United States at tinanggap lamang ang pansamantalang tigil-putukan dahil natugunan umano ang kanilang mga hinihingi.
Ayon kay Mohammad Bagher Ghalibaf, “We were victorious in the field,” at hindi umano nakamit ng US ang mga layunin nito habang kontrolado ng Iran ang Strait of Hormuz.
“If we accepted the ceasefire, it was because they accepted our demands,” dagdag nito na tumutukoy sa United States.
Ang dalawang linggong ceasefire ay nakatakdang magtapos sa Miyerkules maliban kung ito ay mapalawig. Patuloy pa rin ang usapan para sa isang permanenteng kasunduan sa tulong ng mga mediator tulad ng Pakistan, ngunit wala pang pinal na resulta.
Sinabi rin ni Ghalibaf na ginagamit ng Iran ang negosasyon bilang bahagi ng kanilang pakikibaka upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan.
Nagkaroon din ng closed-door talks sa Islamabad noong Abril 11 sa pagitan ng delegasyon ng Iran at ni U.S. Vice President JD Vance—ang pinakamataas na antas ng pag-uusap ng dalawang bansa mula pa noong 1979 Islamic Revolution.
Gayunpaman, hindi pa rin ito nagresulta sa pinal na kasunduan at wala pang takdang petsa para sa susunod na round ng negosasyon. RNT/MND