Home NATIONWIDE Taiwan niyanig ng M-6.4 na lindol

Taiwan niyanig ng M-6.4 na lindol

TAIWAN – Niyanig ng magnitude 6.4 na lindol ang southern Taiwan nitong Martes, Enero 21.

Ayon sa ulat, ang lindol ay may lalim na 9.4 kilometro at ang epicenter nito ay nasa Dapu township sa Chiayi county.

Sinabi ng fire department ng naturang bansa na may mga taong na-trap sa mga gumuhong gusali sa lungsod ng Tainan ngunit agad ding nasagip.

Bagama’t walang iniulat na nasawi ay marami naman umanong mga ari-arian ang napinsala sa naturang lindol. RNT/JGC