UNITED STATES – Nanumpa na si Donald Trump bilang ika-47 Pangulo ng Estados Unidos nitong Lunes, Enero 20.
Hudyat ito ng pagsisimula ng kanyang apat na taong termino sa pangako ng deportation sa milyon-milyong immigrants, retribution laban sa kanyang mga kaaway sa politika, at baguhin ang tungkulin ng US sa world stage.
Bago mag-tanghali, oras sa Amerika, ay tumayo si Trump sa loob ng US Capitol hawak ang isang Bibliya at nanumpa sa opisina “to preserve, protect and defend” ang US Constitution.
Pinangasiwaan ito ni Chief Justice John Roberts.
Bago ang kanyang panunumpa ay naunang nanumpa sa tungkulin ang kanyang Bise Presidente na si JD Vance. RNT/JGC