MANILA, Philippines – Iiral ang Northeast Monsoon o Amihan sa Luzon, shear line sa silangang bahagi ng Visayas, at easterlies sa ilang bahagi ng Mindanao ngayong Martes, Enero 21.
Ayon sa PAGASA, ang Northern Samar at Eastern Samar ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms dahil sa Shear Line.
Ang Dinagat Islands, Surigao del Norte, at Surigao del Sur ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil naman sa easterlies.
Maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan naman ang mararanasan ngayong araw sa Cagayan Valley, Aurora, at Quezon dahil sa Amihan.
Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains dahil din sa Amihan.
Habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa easterlies. RNT/JGC