TAIWAN – Sinabi ng defense ministry ng Taiwan na nakapagtala ito ng 66 Chinese military aircraft sa paligid ng nasabing bansa sa nakalipas na 24 na oras.
Ito na ang record-high na bilang ng Chinese aircraft ngayong taon.
“66 PLA aircraft and seven PLAN vessels operating around Taiwan were detected up until 6 am (2200 GMT Wednesday) today,” saad sa pahayag ng defense ministry nitong Huwebes.
Nasa 56 na Chinese aircraft ang tumawid sa sensitive median line na tumatawid a Taiwan Strait, o 180 kilometer na waterway na naghihiwalay sa Taiwan at China.
Nakita sa inilabas na ilustrasyon na ang ilan sa mga eroplano ay dumaan sa 33 nautical miles ng southern tip ng Taiwan.
Mas mataas ito sa naunang record noong Mayo na 62 military aircraft at 27 naval vessels sa palibot ng Taiwan.
Ayon sa military expert na si Su Tzu-yun, ang pinakabagong show of force ng China ay reaksyon nito sa mga political developments, kabilang ang bagong de facto ambassador ng Washington sa Taiwan na nakipagpulong at nagpahayag pa ng suporta sa Taipei.
“Beijing puts pressure on Taiwan in order to express its displeasure at the support it enjoys,” sinabi ni Su ng Taiwan Institute for National Defence and Security Research.
Sinabi naman ni Defense minister Wellington Koo na ang Shandong ay hindi tumaan sa “through the Bashi Channel” o lugar sa timog na bahagi ng Taiwan kung saan karaniwang dumadaan ang mga barko ng China na patungong Pacific Ocean.
Sa halip, “went further south through the Balintang Channel towards the Western Pacific,” na tumutukoy sa daanan ng tubig sa hilaga ng Babuyan Island sa Pilipinas. RNT/JGC