Home METRO Taiwanese arestado sa iligal na pagpasok sa bansa – BI

Taiwanese arestado sa iligal na pagpasok sa bansa – BI

277
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Bureau of Immigration (BI) ang pag-aresto sa isang Taiwanese na lalaki sa Baguio City dahil sa pagpasok nito sa Pilipinas nang walang kaukulang inspeksyon.

Kinilala ng BI ang dayuhan na si Cheng Chin-Pang, 69, na nahuli ng mga operatiba ng Regional Intelligence Operations Unit–Cordillera Administrative Region (RIOU-CAR) sa pakikipag-ugnayan sa lokal na pulisya at iba pang law enforcement agencies. Inaresto ang dayuhan noong Setyembre 25 sa kahabaan ng Sto. Tomas Road, Green Valley, Dontogan, Baguio City.

Ayon sa ulat, inamin ni Cheng na siya ay pumasok sa bansa noong nakaraang taon sa pamamagitan ng ilegal na ruta o mas kilala sa tawag na backdoor sa Tawi-Tawi.

Ayon sa BI, sumakay ang dayuhan sa bangka mula Malaysia, bago tuluyang pumunta ng Maynila nang hindi sumailalim sa tamang immigration inspection.

Sinabi ng mga ahente ng imigrasyon na si Cheng ay nahuli dahil sa paglabag sa Philippine Immigration Act bilang isang ilegal na pumasok. Agad siyang dinala sa BI Main Office sa Maynila para sa booking, medical examination, at biometrics. Mula noon ay nakadetine ito sa BI Warden Facility sa Taguig habang nakabinbin ang mga paglilitis sa deportasyon.

“The Bureau of Immigration remains firm in protecting the country’s borders,” ani Viado. “Foreign nationals who sneak into the Philippines without proper documentation will be arrested, deported, and barred from returning. This is part of our duty to uphold national security and safeguard our immigration system,” dagdag pa ng opisyal.

Pinaalalahanan ng BI ang mga dayuhang mamamayan laban sa paggamit sa mga ilegal na paraan ng pagpasok sa bansa, bunsod na din ng mahigpit na operasyon laban sa nasabing iligal na gawain. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here