Home METRO Tambay na nanakot ng hawak na baril sa kausap na babae, huli...

Tambay na nanakot ng hawak na baril sa kausap na babae, huli sa Malabon

1
0

MANILA, Philippines – Hinuli at kinasuhan ng Malabon-PNP ang 36-anyos na tambay habang tinatakot nito ng kanyang hawak na baril ang kausap na babae sa Malabon City.

Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, nagpapatrolya ang mga tauhan ni Malabon Police Chief P/Col. Kenneth Mission sa Barangay Catmon dakong alas-12:10 ng tanghali nang lapitan sila ng isang lalaki at ipinabatid ang ginagawang pananakot ng armadong suspek sa bebot na kanyang kinompronta.

Kaagad namang nadis-armahan ng mga pulis ang suspek at nang suriin ang hawak na baril, nadiskubreng isa lamang itong replica ng kalibre .38 revolver.

Hindi naman tinukoy sa ulat ng pulisya kung ano ang motibo sa pananakot ng suspek sa biktima na naghain na ng reklamong Grave Threat laban sa kanya.

Bukod dito, sinampahan din siya ng pulisya ng kasong paglabag sa R.A. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act sa Malabon City Prosecutor’s Office. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here