Home HOME BANNER STORY Tanker na may sakay na 23 Pinoy sapul ng pag-atake sa Red...

Tanker na may sakay na 23 Pinoy sapul ng pag-atake sa Red Sea – UKMTO

MANILA, Philippines – Naistranded ang isang Greek-flagged oil tanker sa Red Sea matapos itong makaranas ng mga pag-atake nitong Miyerkules, Agosto 21.

Ayon sa UK maritime agency, ang Sounion ay unang inatake ng dalawang maliit na bangka at tinamaan ng projectiles sa layong 77 nautical miles kanluran ng port city ng Hodeidah sa Yemen, sinabi ng Greek shipping ministry at United Kingdom Maritime Trade Operations (UKMTO).

Nagkaroon pa ng mabilis na palitan ng putok sa nangyaring insidente.

Matapos nito ay iniulat ng barko na nakaranas ulit ito ng isa pang pag-atake, dahilan para magkaroon ng sunog sa barko at mawala ang engine power nito. Dahil dito ay nawalan na rin ng kakayahan na makapagmaniobra ang barko.

Wala namang nasaktan sa insidente sa 25 crew members, kung saan dalawa ang Russians at ang nalalabi ay mga Filipino.

Kinumpirma naman ng Delta Tankers, operator ng barko, na ito ay nakahimpil at nagtamo ng minor damage. RNT/JGC