Home METRO Tanod patay sa pamamaril ng utol!

Tanod patay sa pamamaril ng utol!

LUCENA CITY- Patay sa pamamaril ng nakababatang kapatid ang isang barangay tanod nitong Miyerkules sa Lipa City, Batangas, ayon sa mga pulis nitong Huwebes.

Batay sa ulat ng Batangas police, minamaneho ni Jason Gangga, 44, ang kanyang tricycle bandang alas-7:30 ng gabi kasama ang kanyang asawa sa kahabaan ng J.P. Laurel Highway sa Barangay Balintawak nag bigla na lamang lumapit ng nakababatang kapatid ni Jason na si Jonel, 36, sakay ng kanyang motorsiklo, sa tricycle saka binaril ang kanyang kapatid gamit ang caliber 357 na baril.

Tumakas ang suspek matapos ang pamamaril at iniwang patay ang kanyang kapatid mula sa tama ng bala sa kanyang ulo. Hindi nasaktan ang asawa ng biktima sa insidente.

Agad na nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga awtoridad at nahuli ang suspek sa Barangay Bolbok.

Nasabat din ng mga pulis ang baril na ginamit sa krimen.

Ayon sa Lipa City police, ang motibo sa shooting incident ay matagal nang alitan sa pagitan ng magkapatid subalit hindi na ito idinetalye. RNT/SA

Previous articleVP Sara nagpasalamat kay PBBM sa tulong sa Davao region
Next articlePinakamainit na Enero naitala noong nakaraang buwan