Home ENTERTAINMENT ‘Taong grasa,’ itinanim sa salon ni Diwata!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES ‘Taong grasa,’ itinanim sa salon ni Diwata!September 14, 2026 12:4010 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Prankster na din pala si Diwata!Kamakailan ay nagbukas na ang second branch ng kanyang Diwata Barber Shop.Panauhin niya ang sikat na social media personality na si Rendon Labador at Mommy Gangster.Ang nakakaloka–may umaali-aligid na “taong grasa” na nanggugulo sa nasabing affair.Pilit itong umeeksena sa labas ng salon na ginawang staging area amidst a crowd of people na kumukuha ng photos via mobile phones.Dedma lang si Diwata sa “istorbong” likha ng naka-blond hair pang taong grasa in tattered clothes.Nandoon pinalalayas na ito sa event, namura pa siya ng: “Put**ina” ni Mommy Gangster.Panay din ang pangungulit nito kay Rendon para magpa-picture.Take note, nasa loob ng dala-dala niyang sako ang cellphone ng taong grasa.Ang hindi alam ng mga tao, “pakawala” pala siya ni Diwata as in invited guest!Naniwala lang silang matino ito at nagpapanggap lang bilang taong grasa nang kumanta ito ng isang danceable tune!Winner ang paandar ni Diwata para mai-promote ang barberya niya! Ronnie Carrasco III