Home NATIONWIDE TAPE Inc inireklamo ng estafa ng GMA Network

TAPE Inc inireklamo ng estafa ng GMA Network

MANILA, Philippines – Naghain ng reklamo sa piskalya ang GMA Network laban sa mga opisyal ng Television and Production Exponents (TAPE) Inc. dahil sa umano’y maling paggamit ng pondo na umaabot sa kabuuang P37,941,352.56.

Kabilang sa mga opisyal na inireklamo sa Office of the Prosecutor sa Quezon City ay sina Romeo Jalosjos Jr., Romeo Jalosjos Sr., Seth Frederick “Bullet” Jalosjos, Malou Choa-Fagar, Michaela Magtoto, at Zenaida Buenavista.

Nag-ugat ang reklamo sa umano’y hindi pag-remit ng kita na nakolekta ng mga nabanggit, mula sa kanilang mga kliyente na nagpa-advertise, na aniya’y naka-assign sa GMA Network sa ilalim ng 2023 assignment agreement.

Sa kabila ng ilang ulit na panawagan, hindi aniya nai-transfer ang pera sa GMA kundi ginamit umano ito sa gastusin sa operasyon ng TAPE na labag sa trust arrangement sa kanilang napagkasunduan.

Bunsod nito, isusulong ng GMA Network ang nasabing kaso upang panagutin ang mga responsable at mabawi ang mga pondo na hindi naipasa sa kanila. TERESA TAVARES