Home METRO Task force nilikha sa imbestigasyon ng pamamaslang sa 2 Australians, Pinay

Task force nilikha sa imbestigasyon ng pamamaslang sa 2 Australians, Pinay

LUCENA CITY- Lumikha ang mga pulis ng special body na mag-iimbestiga sa pagkamatay ng dalawang Australian nationals at isang Pinay sa isang hotel sa Tagaytay City, Cavite noong Hulyo 10.

Sinabi ng Police Regional Office (PRO) 4-A na nilikha ang Special Investigation Task Group “SITG DAVID FISK” upang talupan ang pagpaslang kina “David,” 57; “Lucita, 55, kapwa Australian citizens; at “Mary,” 30.

Natagpuan ang mga bangkay ng mga biktima ng ala-1:35, nakatali ang mga kamay at paa, at may takip na packaging tape ang bibig, sa loob ng isa sa hotel rooms, batay sa police report.

“For now, we are conducting a thorough investigation based on the evidence that we have collected in our initial investigation,” pahayag ni Brigadier General Paul Kenneth Lucas, PRO-4A commander, nitong Biyernes.

Binabalikan ng mga imbestigador ang video footage mula sa closed-circuit television cameras sa hotel para sa pagkakatukoy sa mga salarin.

“Rest assured that we will provide updates on any new information that comes to light on this case. We will make sure that those responsible for the heinous killings will be punished,” pahayag ni Lucas.  RNT/SA