CAMP FLORENDO, San Fernando, La Union- Muling natagpuan ng isang mangingisda ang palutang-lutang na pakete ng hinihinalang shabu sa West Philippine Sea sa Sitio Nagabungan, Barangay Davila, Pasuquin, Ilocos Norte, nitong Huwebes ng hapon.
Itinurn-over ang kontrabando, may marking na “Cay Yun Li” katulad ng mga narekober sa karagatan sa Ilocos region sa mga nakalipas na linggo, sa Pasuquin police.
Natanggap ng Forensic Unit ng Ilocos Norte Police Provincial Office ang mga ito at nagsagawa ng laboratory examination.
Hinikayat ni Ilocos police chief Police Brig. Gen. Lou F. Evangelista ang mga tao na iulat ang katulad na pagkakadiskubre sa mga pulis. RNT/SA