Home METRO Tattoo artist kalaboso sa panggagahasa ng dalagitang kliyente sa Valenzuela

Tattoo artist kalaboso sa panggagahasa ng dalagitang kliyente sa Valenzuela

MANILA, Philippines – Kalaboso ang 22-anyos na tattoo artist sa Marulas, Valenzuela City dahil sa umano’y panggagahasa sa 16-anyos na kliyente nito noong 2022.

Sinilbihan ng Valenzuela City Police ng arrest warrant ang suspek na nagpapalipat-lipat ng lugar sa Valenzuela City at Quezon City para magtago.

Ang insidente ay nangyari umano noong Agosto 2022 ngunit nakapaghain lamang ng reklamo ang biktima laban sa dalawang suspek noong Hunyo 2023.

Sinabi ni Valenzuela City Police chief Police Colonel Nixon Cayaban na ang biktima ay regular client ng suspek.

“Itong biktima isa sa mga customers niya lagi. So after that siguro nagkaroon ng hindi inaasahang kwan, parang ‘yun nga, na-rape. At sabi parang gang rape pa. So nag-push through maisampa ang kaso,” ani Cayaban sa panayam ng GMA News.

“Itong accused naman siguro, hindi niya inaasahan at nabuntis pa itong biktima,” dagdag pa.

Itinanggi naman ng suspek ang alegasyon laban sa kanya na ngayon ay nasa kustodiya ng pulisya.

Naaresto rin ng pulisya ang isa pang akusado sa insidente. RNT/JGC