Home NATIONWIDE Bulkang Kanlaon nakapagtala ng 12 volcanic earthquakes

Bulkang Kanlaon nakapagtala ng 12 volcanic earthquakes

MANILA, Philippines – Nakapagtala ng 12 volcanic earthquakes, kabilang ang limang tremors, ang Bulkang Kanlaon ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Martes, Enero 21.

Nagkaroon din ng limang ash emission ang bulkan na tumagal ng walo hanggang 56 minuto.

Naglabas ang Bulkang Kanlaon ng 3,733 tonnes ng sulfur dioxide at katamtamang 300 metrong taas ng plume.

Nananatili naman na inflated ang gilid ng bulkan.

Kasalukuyang nakataas ang Alert Level 3 sa Bulkang Kanlaon mula nang sumabog ito noong Disyembre 9, 2024. RNT/JGC