MANILA, Philippines – Maaaring resolbahin ng bicameral conference committee ang mga kuwestiyunableng probisyon ng teenage pregnancy prevention bill, ayon kay BHW Partylist Rep Natasha Co.
“It is better to let the bicameral committee deal with the House and Senate versions of the adolescent pregnancy bill,” pahayag ni Co.
Ayon kay Co, kung mayroong mga kuwestiyunableng probisyon sa isang panukala ay nasa kapangyarihan ng Bicam na ayusin ito.
Ang House Bill (HB) 8910 na mula sa House Committee on Youth ay naipasa ng Kamara noong 2023.
Layon ng panukala na maiwasan ang teenage pregnancies, sa ilalim ng panukala ay magtatag ng community-based at culturally-sensitive, age- at developmentally-appropriate comprehensive adolescent sexuality education (CASE) sa lahat ng mga teenager.
Mayroong kaparehas na panukala ang Senado sa ilalim ng Senate Bill 1979 subalit tinututulan ito ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. dahil sa nakapaloob na hindi magandang pamamaraan ng pagtuturo ng sex education. Gail Mendoza