Home HOME BANNER STORY Tax, bank records ni VP Sara kailangan busisiin sa buong katotohanan –...

Tax, bank records ni VP Sara kailangan busisiin sa buong katotohanan – prosekusyon

1
0
Nagsagawa ng press conference nitong Miyerkules, Hulyo 15, 2026, si Atty. Benjamin Tolosa—tagapagsalita ng grupo ng mga taga-usig mula sa Kamara—kasama sina Rep. Ysabel Zamora at Rep. Zia Alonto Adiong, matapos ang mga pagdinig sa araw na iyon para sa impeachment trial ni Bise Presidente Sara Duterte sa Senado.Sa nasabing briefing, tinalakay ng prosecution panel ang mga naging kaganapan sa proseso ng impeachment at sinagot ang mga tanong ng media hinggil sa paglalahad ng ebidensya, mga nakabinbing mosyon, at ang mga susunod na hakbang sa paglilitis. CESAR MORALES

MANILA, Philippines – Nanindigan ang House prosecution panel na dapat bigyang-daan ng Senate impeachment court ang pagbusisi sa mga bank at tax records ni Vice President Sara Duterte, kasama ang iba pang mahahalagang ebidensya, upang makita ng mga senator-judges ang buong katotohanan.

Ipinaliwanag ni House trial spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na ang pagpapakita sa mga dokumento, testigo, at testimonya ay makatutulong sa Senado upang magampanan nang tama ang kanilang konstitusyonal na tungkulin sa paglilitis.

“Ito ay pagrerespeto din sa mandato po ng Senado to try and decide an impeachment case. Dahil unang-una pa, mabibigyan po ang impeachment court ng lahat ng Angulo, with all the complete evidence and the whole picture in order for them to appreciate and eventually to arrive into impartial and sound judgment,” pahayag ni Adiong sa isang regular press briefing ng prosecution team.

Ani Adiong, mas mapagsisilbihan ang interes ng publiko kung hindi hahadlangan ang paglalabas ng mga kinakailangang impormasyon.

“Mas maganda po para sa amin, ‘yung isang trial ay accessible ang lahat ng mga relevant na dokumento, testimonya at witnesses para ang korte ay mabigyan ng whole picture o lahat ng kinakailangang dokumento para ma-exercise nila ang kanilang trabaho at mag-render din ng mas appropriate at proper na resolusyon o judgment,” paliwanag ng mambabatas.

Ang bank at tax records ni VP Sara ay para suportahan ang Article II ng impeachment complaint na nag-aakusa ng pagkakaroon unexplained wealth at hindi pagdedeklara ng mga ari-arian sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).

Sinabi naman ni House prosecution legal spokesperson at counsel Benjamin Tolosa Jr. na rerespetuhin nila ang kapangyarihan ng impeachment court na magpasya sa subpoena, ngunit wala silang nakikitang dahilan para harangan ang mga ebidensya.

“Hayaan natin, huwag nating pangunahan at huwag nating katakutan yung paglatag ng ebidensya,” ani Tolosa.

“Our position is very clear. Of course, we respect the authority of the impeachment court to rule on this matter. But just the same, ang posisyon namin, we don’t see any reason why we should not allow the introduction of these documents in these impeachment proceedings.”paliwanag nito.

Sa huli, sinabi ni Tolosa na sa pagpapalabas lamang ng mga ebidensya lalabas ang katotohanan.

“Kung merong kakatakutan, siguro yung paghadlang sa ebidensya,” pagtatapos pa ni Tolosa. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here