MANILA, Philippines – Kasunod ng pagkapanalo ni Carlos Yulo sa 2021 Paris Olympics, umusad na sa Kamara at naipasa sa House Committee on Ways and Means ang panukala na mag-eexempt sa mga nakuhang donasyon ng mga atleta na nanalo sa mga international sports competitions.
Ang nasabing panukala ay nauna nang naihain noong 18th Congress nang manalo si Hidilyn Diaz.
Ayon kay Salceda sa ilalim ng panukala ay hindi lamang ang premyo ang exempted sa tax kung hindi maging ang mga donasyon ng mga kumpanya matapos na manalo ang atleta at maging ang mga donasyon na nakuha nito isang taon bago ang kumpetisyon.
Ayon kay Salceda, ang pangarap ni Yulo na manalo ng ginto para sa Pilipinas ay pangarap nya ng 12 anyos pa lamang ito, natupad ito makalipas ang dekada, kaya naman dapat lamang na ibigay ang ganitong benepisyo sa mga atleta kapalit ng kanilang malaking sakripisyo.
“What that teaches us is that the prize is never won on the day of the competition itself, but years before. Hard work, determination, and sheer grit through many years of training win over talent,” ani Salceda.
Maging ang donasyon na mula sa Philippine Sports Commission o Philippine Olympic Committee ay nais din ni Salceda na maexempt sa tax.
“we not just exempt donations towards their training for one year, but to exempt donations from tax for their entire training, provided that such donations are made through the Philippine Olympic Committee or the Philippine Sports Commission,”paliwanag ni Salceda.
Samantala, ikinatuwa naman ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, may akda ng panukala, ang pagpasa ng House Bill 8226, aniya, isa itong paraan para kilalanin ang nagawa ng mga atletang Filipino para sa bansa.
“While the government-granted incentives for our athletes are exempted from taxes as provided for in Section 32 of the NIRC (National Internal Revenue Code), those rewards coming from the private sector are still subject to the 6% donor’s tax,” paliwanag ni Villafuerte.
“Hence, this bill being tackled by the ways and means panel chaired by Congressman Joey (Salceda) proposes to exempt from tax payments the cash incentives, bonuses, rewards, and any other forms of emoluments due medalists and their coaches in the Olympic Games,” dagdag pa ni Villafuerte.
Sa ilalim ng RA 10699, P10 million ang ibinibigay sa mga Olympic gold medalists, P5 million sa silver medalists at P2 million sa bronze medalists kasama din sa may monetary rewards ang mga coach. Gail Mendoza