Home NATIONWIDE Yulo makatatanggap ng P6M mula sa Kamara

Yulo makatatanggap ng P6M mula sa Kamara

MANILA, Philippines – Matapos manalo ng dalawang gintong medalya, gagawin nang P6M ang incentive ng Kamara para kay Paris Olympics Gold Medalist Carlos Yulo, ayon kay House Speaker Martin Romualdez.

“May pangalawang ginto, kaya mado-doble. We feel that it’s important to support and inspire all our athletes and to recognize their achievements. We’re very, very proud of our medalists and we look forward to more medals during this Olympics and we’re very inspired as nation. Kaya, congratulations talaga sa medalist nating lahat – to our Olympians. Talagang World Class na talaga” pahayag ni Romualdez sa isang ambush interview ng mga reporters.

Nilinaw naman ni Romualdez na ang cash incentive na ibibigay ng Kamara ay hindi galing sa kaban ng bayan kundi mula sa ambagan ng lahat ng mga kongresista.

Ang Kamara ay mayroong 300 na kongresista.

“Nag-ambag-ambag na ang mga congressman bago magka Olympics. We actually did a very informal but voluntary contributions sa pag alis ng ating mga atleta, may konting baon na pero we believed that the athletes, ang ating mga atleta ay kailangan talaga ng ating suporta lalo na dito sa pagkuha nila ng gintong medalya. We really have to reward them. So, walang problema naman sa atin, madaming nagvo-volunteer na i-recognize kaya hindi lang po sa private sector pero sa mismong members of the House ay talagang proud na proud. Marami naman po kami. So, walang problema”paliwanag ni Romualdez.

Kinumpirma ni Romualdez na iimbitahan ng Kamara si Yulo sa Batasan Pambansa. Gail Mendoza