Home ENTERTAINMENT Team Echo, kinabog ng team Alden!

Team Echo, kinabog ng team Alden!

Manila, Philippines – More than ever, it’s about time Kathryn Bernardo flapped her career wings far and wide.

Goodbye na kasi ang loveteam nila ni Daniel Padilla following their much-ballyhooed breakup on November 30 last year.

Ergo, this should allow the 28-year-old Kapamilya actress to seize the opportunity na magkaroon ng iba namang katambal on screen.

Even Karhryn’s fans look at this way.

Balitang nagulat at the same time ay flattered si Kathryn that there seems to be a lineup of possible leading men na maaari niyang makatrabaho in the near future.

Maging ang kanyang mga fans ay nag-launch o nagsagawa ng survey to deternine kung sinu-sino ang mga boto sa pangkat ng dalawang aktor: Team Echo o Team Alden?

Kapwa inilatag ng magkabilang supporters ang kanilang paliwanag to justify their choice.

At ang nagwagi…Team Alden!

Malaking factor daw na nagkasama na sina Kathryn at Alden sa Hello Love Goodbye na balitang gagawan ng sequel.

Bentahe rin daw ni Alden ang pagiging binata, never before married at walang anak.

Taliwas nga naman ito sa kaso ni Jericho Rosales who once had a wife at may anak with a different woman, although nakatrabaho na rin niya si Kathryn noong bata pa.

Concentrated lang sa dalawang aktor ang pa-survey ng mga fans.

Hindi na raw isinali ng mga ito si Donny Pangilinan who’s also as eager to work with Kathryn.

Ang kaibahan nga lang daw, mas identified si Donny kay Belle Mariano kahit hindi pa sila umaamin tungkol sa kanilang relasyon. Ronnie Carrasco III