Home NATIONWIDE $2.5B para sa PH defense capabilities target sa bipartisan US bill

$2.5B para sa PH defense capabilities target sa bipartisan US bill

MANILA, Philippines- Dalawang prominenteng senador ang nagpakilala sa bipartisan bill na naglalayong pagkalooban ang Manila ng $2.5 bilyon para palakasin ang depensa nito laban sa o pwersa ng Tsina.

Isinulong nina Republican Bill Hagerty, dating ambassador to Japan, at Democrat Tim Kaine ang batas kung saan pinahintulutan ang $500 milyon kada taong Foreign Military Financing (FMF) grant assistance sa Pilipinas para sa mahigit na limang fiscal years hanggang 2029.

Ang Pilipinas, itinuturing na long term ally ng Estados Unidos, ay naging mahalaga sa estratehikong paraan sa pagsisikap ng Estados Unidos at Japan na itulak pabalik ang Tsina, kaya naman nangangailangan ng pondo para gawing modernisado ang ‘long-neglected armed forces’ nito.

Gagawing rekisitos ng batas para sa US Secretary ng Estados, sa pakikipagtulungan sa Pentagon, na magsumite ng annual spending plan sa Kongreso kung paano gagastusin ng US government ang grant at annual report hinggil sa hakbang para pasiglahin ang US-Philippines defense relationship.

Isasama ng huli ang deskripsyon ng kakayahan na kakailanganin para gawing modernisado ang Philippine defense capabilities.

“Areas could include coastal defense, long-range fires, integrated air defenses, maritime security, manned and unmanned aerial systems, mechanized ground mobility vehicles, intelligence, surveillance and reconnaissance and defensive cybersecurity,” ayon sa tanggapan ni Hagerty.

Sa isang kalatas na ibinahagi ng Reuters, sinabi ni Hagerty na “critical” na mas palalimin ang pagtutulungan sa Pilipinas sa panahon ng “Communist China’s growing aggression in the West Philippines Sea and South China Sea.”

Inulit naman ni Kaine ang bagay na ito sabay sabing “pivotal that the people of the Philippines have the resources and support they need in the face of those threats.”

Sa ulat, may ilang serye na ng maritime run-ins ang Pilipinas at Tsina kabilang na ang insidente nito lamang Marso kung saan gumamit ang Tsina ng water cannons para gambalain ang supply mission ng Pilipinas sa mga sundalo na nakaistasyon sa grounded warship sa pinagtatalunang Second Thomas Shoal, tinatawag din na Ayungin Shoal sa Pilipinas.

Winika ni Hagerty na ang pondo “will profoundly strengthen and modernize the defense and deterrence capabilities” ng US-Philippines alliance. Kris Jose