Home ENTERTAINMENT Teejay, wish makatrabaho si Juday!

Teejay, wish makatrabaho si Juday!

288
0

Manila, Philippines – Ipinahayag ni Teejay Marquez na ang award-winning actress na si Judy Ann Santos ang isa sa aktres na wish niyang makatrabaho.

Pahayag ni Teejay, “Pagdating sa mga actor, kahit na anong role, basta makatrabaho ko lang si Ms. Judy Ann Santos, it will be  really exciting for me.

“Kapag nangyari iyon? Siguro baka mag-fan moment ako niyan, kasi pinapanood ko lang siya… Veteran actress iyan, best actress siya eh and feeling ko kung makaka-eksena ko siya sa pelikula, panalo na ako.

“Kumbaga, dream come true na talaga iyon, kasi pili lang talaga ang nakakatrabaho niya, eh,” nakangiting sambit pa ni Teejay.

Ang dream naman niyang role na magampanan ay ang maging superhero.

Aniya, “Lagi kong binabanggit na gusto ko talagang mag-play ng superhero. Parang feeling ko kasi, nag-eenjoy ako to wear costume.

“So, parang masarap iyon na magse-save ka, may mga kontrabida, may mga ganoong monsters kang makakalaban.”

Si Teejay ang isa sa new endorsers ng 20 years na sa business na BlueWater Day Spa. Kasama ni Teejay na ipinakilala rito ang Korean actor na si Choi Bo Min.

Nabanggit pa ni Teejay ang mga bagay na nag-eenjoy siya na gawin sa spa.

“The Balinese Massage helps me recover after long days on set. I also love the Thai Yoga Massage, it stretches me out and re-balances everything. It really helps me sleep better.”

Ayon pa sa aktor, nakatakda siyang pumirma na rin sa Sparkle, magko-co-manage sila ng talent manager na si Arnold Vegafria. Nonie Nicasio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here