MANILA. Philippines – MAY halong saya at lungkot ang nararamdaman ni LA Tenorio sa nalalapit na laban ng Magnolia kontra Barangay Ginebra sa PBA Manila Clasico.
Ito ang unang pagkakataon na haharapin niya ang kanyang dating koponan bilang coach ng Hotshots.
Labing-tatlong taon ding naglaro si Tenorio sa Ginebra at nakilala bilang isa sa mga paboritong manlalaro ng mga fans.
Ngayon, makakatapat niya ang kanyang dating mentor na si Tim Cone sa kabilang panig ng court.
Ayon kay Tenorio, gusto niyang ituring na ordinaryong laban lamang ang naturang sagupaan.
Aniya, ang mahalaga ay matuto ang Magnolia at maging handa para sa mas mahahalagang laban sa playoffs.






