Home SPORTS Tenorio umaming planado ang pagiging starter bilang playing-coachSPORTSSPORTS BANNER STORYTOP STORIES Tenorio umaming planado ang pagiging starter bilang playing-coachDecember 22, 2025 13:536860 FacebookTwitterPinterestWhatsApp INAMIN ni LA Tenorio na sinadya ang kanyang pagiging bahagi ng starting five ng Magnolia sa kanyang debut bilang playing-coach.Nakatuwang niya sa backcourt si Mark Barroca kasama sina Zavier Lucero, Ian Sangalang, at rookie na si Chris Koon.Ito ang unang laro ni Tenorio sa PBA matapos ang huli niyang paglabas noong semifinals ng nakaraang Philippine Cup.Ayon sa beteranong guard, nais niyang agad maramdaman ang takbo ng laro bilang manlalaro at coach.Maganda ang naging simula ng Hotshots matapos makuha ang 11-4 abante sa unang minuto ng laban.Ngunit nagbago ang momentum nang maupo si Tenorio at unti-unting umarangkada ang TNT.Natalo ang Magnolia, 94-83, habang nagtapos si Tenorio na may apat na puntos sa loob ng 13 minutong paglalaro.GP