MANILA, Philippines – Sinupalpal ng Chinese Embassy sa Manila nitong Miyerkules, Disyembre 25 si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. dahil sa umano’y ”unjust accusation” nito sa pagtutol ng Beijing sa deployment ng Typhon missile system ng Estados Unidos sa Pilipinas.
”We firmly oppose and strongly condemn such statement which is nothing but unjust accusation filled with ideological bias and based on bloc confrontation and the Cold War mentality,” saad sa pahayag ng Chinese Embassy sa Manila.
Matatandaan na nagpahayag ng pagtutol ang Beijing sa pagsasabi ni Philippine Army chief Lieutenant General Roy Galido na plano ng military na bumili ng US Typhon missile system para protektahan ang maritime interests ng bansa.
Sinabi ni Teodoro na “the deployment of US mid-range missile assets to the Philippines in the context of joint exercises are completely legitimate, legal, and beyond reproach.”
Ipinunto ng Chinese Embassy sa Manila na hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na si Teodoro ay gumawa ng ”unprofessional and ludicrous remarks.”
”In addition to habitually attacking and smearing China and its ruling party, he personally impedes and obstructs mil-to-mil contacts and exchanges between China and the Philippines,” anang embahada.
”We cannot help but wonder why and for whom he has been saying and doing in such an unconstructive way,” dagdag pa niya.
Wala pang tugon ang Palasyo at Department of National Defense kaugnay nito. RNT/JGC