Manila, Philippines – Naglabas na ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng paaralang inirereklamo ni Yasmien Kurdi kaugnay ng umano y isyu ng pambu-bully sa kanyang anak.
Matatandaang Yasmien took to social media her complaint against the students enrolled at the Colegio de San Agustin Makati.
Sa kuwento ng Kapuso star, pinalibutan daw ng may walong mag-aaral ang anak niyang si Ayesha Zara Soldevilla.
Hindi raw kasi sumasagot ito kaugnay sa paghahanda sa kanilang Christmas paty.
Winithhold pa raw ang baon ni Ayesha nang tangkaing talikuran ang kanyang mga kamag-aral.
Dito na hindi nakapagpigil si Yasmien who vowed always to take care of and protect her daughter.
Pagkatapos nito’y naiulat na makikipagkita si Yasmien kay DepEd Secretary and Senator Sonny Angara para idulog ang kaso ng kanyang anak.
Ang latest, tumugon na ang CSA kaugnay ng December 10 incident.
Ayon sa pamunuan, “there appears no bullying incident involving the minors.”
Nagdidiskusyon lang daw ang mga ito tungkol sa kanilang gaganaping Christmas party.
Bagama’t in-address naman ng school administration ang concern ni Yasmien ay pinayuhan din nila ang aktres na hangga’t maaari ay huwag nang ilabas ang ganitong impormasyon sa publiko.
Sangkot daw kasi ang mga mag-aaral na puro menor de edad.
Lalabas din kasing tampulan ng panunukso at pamamahiya ang mga mag-aaral na ito hindi lang sa loob ng CSA kundi maging hanggang labas.
Pinayuhan din si Yasmien ng school authorities na makipagtulungan kung may mga insidente ng bullying ang nagaganap sa kanilang paaralan.
Habang sinusulat ito’y wala pang reaksyon si Yasmien sa inilabas na official statement ng eskuwelahan ni Ayesha Zara.
Pero isa lang ang tiyak from Yasmien’s end–she will stick to her story no matter what the consequences may be. Ronnie Carrasco III