Home METRO Mas maraming paralegal officers target ng Manila City Jail sa 2025

Mas maraming paralegal officers target ng Manila City Jail sa 2025

MANILA, Philippines – Plano ng Manila City Jail na kumuha ng karagdagang paralegal officers sa mahigit 3,000 inmates sa male dormitory nito.

Ayon kay Jail Superintendent Lino Soriano, mayroon lamang apat na paralegal officers sa 3,596 male inmates.

Ang kasalukuyang ratio sa pagitan ng paralegal officers at lalaking persons deprived with liberty ay nasa 1:900.

Sinabi pa ni Soriano na ang ideal ratio ay dapat na 1:300.

Sa karagdagang paralegal officers, umaasa ang city jail na matugunan ang 204% congestion rate sa male dormitory dahil ang prescribed na bilang ng PDLs ay dapat na nasa 1,182 lamang.

Trabaho ng paralegal officers ang mga kaso ng inmate at record ng mga nakapagsilbi na ng kanilang minimum period of sentence, at sa pagbibilang ng good conduct time allowance ng bawat isa sa mga ito.

Mayroong 102 PDLs mula sa male dormitory ng
Manila City Jail sa pamamagitan ng GCTA bago ang Pasko. RNT/JGC