Home NATIONWIDE Territorial defense capabilities ng PAF itatampok sa ika-77 anibersaryo

Territorial defense capabilities ng PAF itatampok sa ika-77 anibersaryo

MANILA, Philippines- Ibibida ng Philippine Air Force (PAF) ang territorial defense capabilities nito sa ika-77 founding anniversary, ayon sa opisyal nitong Martes.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon briefing, sinabi ni PAF spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo na ipakikita ang kanilang kapabilidad sa pagbawi sa teritoryong kinuha ng mga kaaway at pagtukoy, pagtunton, at pag-neutralize sa enemy aircraft sa Hulyo 1 sa Basa Air Base, Floridablanca, Pampanga.

“We are going to have a simulated scenario where in, sisimulate na meron na kailangan territory na kailangan natin ma-win from the enemies,” ani Castillo.

Aniya, magkakaroon ng airstrike missions, intelligence reconnaissance at surveillance ng lugar gamit ang unmanned aerial vehicles.

“And then mag-iinsert tayo ng mga tropa gamit ang ating mga ‘Black Hawk’ helicopters, using fast-rope insertion and extraction system,” wika ng opisyal.

Sinabi ni Castillo na ipakikita din ng PAF ang kapabilidad ng bago nitong Ground-Based Air Defense System (GBADS), kilala rin bilang Israeli-made Spyder mobile air defense system na nagbibigay ng kakayahan sa Air Force na protektahan ang airspace ng bansa mula sa hostile aircraft.

Dumating sa bansa ang unang dalawang GBAD batteries noong 2022 habang inaasahang darating ang ikatlo ngayong taon.

Ang GBADs ay “an extra layer of defense” na magiging katuwang ng iba pang defensive systems ng PAF kabilang ang FA-50PH light fighter aircraft, ayon sa opisyal.

Bukod sa capability demonstrations, inihayag niyan magkakasa ang PAF ng flyby bilang pagbibigay-pugay sa event na dadaluhan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“We’re going to have, of course, the usual flyby (of) our aircraft. We (hope) to have it livestream, and of course, we are expecting to have our President and Commander-in-Chief as our guest-of-honor,” sabi ni Castillo. RNT/SA