MANILA, Philippines- Hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Tesla na ikonsidera ang pagmanupaktura o paggawa ng electric vehicles (EVs) sa Pilipinas bilang bahagi ng pagsisikap na i-adopt ang isang “sustainable transport system at bawasan ang carbon emissions.”
Sa isinagawang paglulunsad ng Tesla Center Philippines sa Taguig City, sinabi ni Pangulong Marcos na ang presensya ng Tesla sa bansa ay hindi lamang sumusuporta sa environmental sustainability kundi nagbibigay din ng kapangyarihan sa local workforce.
“With plans to expand further, Tesla is building a generation of Filipinos equipped to lead in the global shift towards sustainable technologies,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sabay sabing, “that every hire by Tesla represents an investment in Filipino talent.”
“It is our fervent hope that Tesla might one day choose to manufacture its vehicles in the Philippines,” dagdag na wika nito.
Nauna rito, napaulat na opisyal na pinasok ng Tesla ang Pilipinas noong Nobyembre 8, 2024, sa pamamagitan ng subsidiary nito na Tesla Motors Philippines Inc., ang Pilipinas ang itinuturing na fourth market sa Southeast Asia, sumusunod sa Singapore, Thailand at Malaysia.
Binigyang-diin naman ni Pangulong Marcos ang kamakailan lamang na inagurasyon ng isang cutting-edge facility para sa produksyon ng advanced iron phosphate batteries, mahalaga para sa EV manufacturing.
Kumpiyansa ang Pangulo na ang pagsusulong at pag-unlad ay makapanghihikayat ng mas maraming kompanya na mamuhunan sa nasabing sektor.
“Tesla’s entry into the Philippine market, is expected to spur local innovation and attract further investments in the EV industry,” ayon sa Chief Executive.
Sinabi rin ng Pangulo ang mga mahahalagang polisiya ng pamahalaan na naglalayong palakasin ang matatag na transportasyon kabilang na ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act, na nag-alis sa excise taxes sa battery electric vehicles, at ang Electric Vehicle Industry Development Act, na nag-aalok naman ng insentibo gaya ng duty-free importation para sa charging stations at pagbibigay-prayoridad sa EV registration.
Para sa Pangulo, itinuturing nito ang EVs bilang ‘future’ ng transportation system ng Pilipinas, tinawag ang pagpasok ng Tesla sa merkado na isang mahalagang hakbang tungo sa “long-term environmental goals” ng bansa.
“In my lifetime, it has always been ICE or internal combustion engines that we are dealing with. But to see this is the future, this is the future – purely electric vehicles are the future and it is the future that we are striving for,” ang inihayag ni Pangulong Marcos.
“The Philippines, with its vulnerable geography, continues to bear the brunt of climate change impacts, and that addressing this requires swift, aggressive action,” dagdag niya.
Gayunman, pinuri ni Pangulong Marcos ang pagpasok ng Tesla sa Philippine market bilang isang pangunahing hakbang tungo sa pagkamit ng nasabing environmental objectives.
“While it is true that electric vehicles are currently seen as premium products, Tesla’s entry into the Philippine [market] signals much more than high-tech cars on the road,” ang tinuran ng Pangulo.
“It is a step – a very significant step forward to our long-term transformation towards a more environment-friendly transportation system,” patuloy niya.
Binigyang-diin ni Pangulong Marcos na ang presensya ng Tesla “is a milestone that will help the Philippines transition to cleaner and more sustainable forms of mobility, setting the stage for future growth in the electric vehicle sector.”
Samantala, determinado naman aniya ang Pilipinas na ipagpatuloy ang daan tungo sa ‘sustainable development’ partikular na sa sektor ng transportasyon bilang bahagi ng malawak na pagsisikap na labanan ang climate change at makamit ang magandang hinaharap para sa bansa. Kris Jose