Home NATIONWIDE Planong deportasyon ni Trump sa undocumented migrants binatikos ni Pope Francis

Planong deportasyon ni Trump sa undocumented migrants binatikos ni Pope Francis

MANILA, Philippines- Sinabi ni Pope Francis nitong Linggo na ang ipinangako ni US President-elect Donald Trump ang large-scale deportation operation ng undocumented migrants ay isang ‘kalamidad.’

Si Trump na nagbabalik sa White House ay nanindigan laban sa 11 milyong undocumented migrants sa Amerika.

Tinanggap ng Santo Papa sa Vatican si Trump sa kanyang unang termino sa White House noong 2017 at pinuna ang kanyang mga anti-migrant na patakaran.

“Anyone, whorever he is, who only wants to buld walls and not bridges is not a Christian,” sinabi ni Pope Francis nang tanungin sa paninindigan ng noo’y US-presidential hopeful tungkol sa kanyang anti-immigration.

Nang mag-eleksyon noong nakaraang taon sa US, pinuna ang mga right-wing US Catholic figure para sa sobrang konserbatibong paninindigan.

Si Trump ay nangako rin na wakasan ang birthright citizenship at tinawag itong katawa-tawa kahit na ginagarantiya ito ng konstitusyon ng US.

Inaasahan din ng mga analyst na maglalabas siya ng mga executive order sa iba pang aspeto ng patakaran sa imigrasyon at tintimbang niya ang pagdedeklara ng isang pambansang emergency na magpapahintulot sa kanya na mabuksan ang Pentagon resources. Jocelyn tabangcura-Domenden