Home ENTERTAINMENT Kotse ni Daniel, spotted sa subdivision ni Kathryn?

Kotse ni Daniel, spotted sa subdivision ni Kathryn?

Manila, Philippines- May pinagmanahan.

Ito na lamang ang nasabi ng mga fans ni Daniel Padilla matapos mapanood ang 2 episodes ng seryeng Incognito sa Netflix.

Bagay daw ang pagiging action star ng aktor tulad ng kanyang tyuhin na si Robin Padilla. Madami rin ang humanga sa ganda ng nasabing serye, kaya naman hindi nakakapagtaka na nag-top 1 ito sa Netflix ngayon.

Unang sabak din ito ni Daniel sa isang serye kung saan wala siyang ka-love team matapos ang break up nila ni Kathryn Bernardo.

And speaking of Kathryn, maraming mga KathDen o Kathryn-Alden Richards fans ang nalungkot sa binalita ng showbiz columnist na si Cristy Fermin.

May nag-chika raw kasi sa kanya na ilang araw na umanong nagpupunta si Daniel sa subdivision kung saan nakatira ang ex-girlfriend niyang si Kathryn.

Hindi pa raw sinusukuan ni Daniel si Kathryn at hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang panunuyo nito.

Matatandaan na sa Christmas Special ng ABS-CBN last year ay may mga balitang lumabas kung saan pinuntahan ni Daniel si Kathryn sa dressing room nito para makipag-usap at may dala-dala pa umano itong bulaklak.

Marami naman ang hindi naniwala dahil wala namang resibong naipakita, meaning to say walang picture na lumabas na pumunta nga si Daniel sa dressing room ng dating minamahal.

Kung nagbubunyi ang mga KathNiel fans ay nag-aalala naman ang mga KathDen dahil ayaw na nilang bumalik si Kathryn kay Daniel.

Ayon naman sa ating source, mukhang malabo pa raw sa ngayon ang balikan ng dalawa dahil naka-move on na raw si Kathryn.

Kumakapit naman ang kanyang mga fans sa sinabi nito noong nandoon siya sa clinic ni Doktora Ivy na may clarity na ang kanyang love life at ang iniisip ng mga faney ay masaya na ito sa bago niyang love life at umaasa sila na si Alden iyon. Rommel Placente