MANILA, Philippines – Tinabla ni Senate President Panfilo Lacson ang panukalang lumahok si dating Ako Bicol Rep, Zaldy Co, pangunahing suspek sa flood control scandal, na lumahok sa pagdinig sa pamamagitan ng zoom dahil walang ibang adhikain nito kundi magpakalat ng propaganda.
Sa panayam, sinabi ni Lacson, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na hindi na magkakaroon ng pagkakataon si Co na lumahok via Zoom sa imbestigasyon sa katiwalian sa likod ng maanomalyang flood control projects.
Ayon kay Lacson na kapag pinayagan ito, maaaring mabigyan lamang si Co ng plataporma upang magsalita ng “propaganda” o mga bagay na walang basehan, na walang pananagutan o panganib na maharap sa contempt citation.
“I didn’t push through with the initial plan to invite him (Co) via Zoom. On second thought, the hearing might afford him a platform to say anything he wants even with no probative value and worse for propaganda purposes only without any accountability for at least possible contempt citation,” ani Lacson.
Dagdag niya, ipinaalam ng kampo ni Co sa Blue Ribbon Committee na ang dating mambabatas ay kasalukuyang ginagamot sa Estados Unidos, kaya hindi makadadalo sa pagdinig sa Biyernes.
“Co’s lawyer informed the committee saying Co is in the US, and is undergoing medication. He asked to be excused from tomorrow’s hearing,” ani Lacson.
Samantala, iginiit ni Lacson na ang mas pinahahalagahan niya ngayon ay ang paggaling ng kanyang boses bago ang deliberasyon ng Senado sa panukalang pambansang badyet para sa 2026 na magsisimula ngayong Huwebes, at bago ang pagdinig ng Blue Ribbon Committee hinggil sa mga kuwestiyonableng proyekto sa flood control sa Biyernes.
Pinabulaanan ni Lacson, na kasalukuyang under medication matapos mawalan ng boses noong Martes ng gabi, ang mga pahiwatig at “prediksyon” ni Sen. Ma. Imelda Josefa Remedios “Imee” Marcos tungkol sa pagdinig ng Blue Ribbon sa Biyernes.
“More than Sen Imee’s crystal ball, my bigger concern is how to recover my normal voice in time for tomorrow’s BRC hearing or this afternoon’s budget plenary debates which I have intended to interpellate. I’ve lost my voice since yesterday after drinking ice cold water with a sore throat last Tuesday night,” ani Lacson.
Ngayong Huwebes ng hapon, sisimulan ng Senado ang deliberasyon sa panukalang badyet para sa 2026, kung saan inaasahang magiging aktibo si Lacson — na kilala bilang masusing tagamasid sa paggamit ng pondo ng bayan.
Samantala, si Lacson ang mangunguna sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa Biyernes na tatalakay sa umano’y katiwalian sa mga kuwestiyonableng proyekto sa flood control.
Muling binigyang-diin ni Lacson — na muling nahalal bilang chairman ng Blue Ribbon Committee — na isasagawa niya ang pagdinig nang may “blindfold mentality,” at susunod lamang sa mga ebidensiyang ilalatag sa harap ng komite. Ernie Reyes