Home NATIONWIDE Teves nasa Timor Leste pa rin – Remulla

Teves nasa Timor Leste pa rin – Remulla

MANILA, Philippines – Nananatiling nasa Timor-Leste si Negros Oriental representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr., na nahaharap sa multiple murder case sa Pilipinas.

Sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla na nakakuha siya ng impormasyon na magkakaroon na ng update sa extradition request laban kay Teves.

“The appeal process in Timor-Leste seems to be endless but I was assured that we will get the news very soon about this matter,” pahayag ng kalihim.

Magugunita na Disyembre 2024, inaprubahan ng Timor-Leste Court of Appeal sa ikalawang beses ang extradition request ng Department of Justice para kay Teves.

Gayunman, kinuwestyon ng kampo ni Teves ang naging ruling ng Korte dahil sa procedural grounds partikular ang bilang ng mga hukom na nagdesisyun sa kaso kaya inatasan muli ng Timor-Leste court ang mga partido na magprisinta muli ng mga ebidensya.

Si Teves ay nahaharap sa mga kasong murder dahil sa pagpatay kay Negros Oriental governor Roel Degamo at iba pa noong March 2023.

Idineklara na ng Anti-Terrorism Council si Teves bilang isang terorista. TERESA TAVARES