Home ENTERTAINMENT Thea, naglabas ng galit sa baha!

Thea, naglabas ng galit sa baha!

1
0

Manila, Philippines – Humahaba ang listahan ng mga celebrities na galit sa nararanasang baha sa paligid.

Isa na nga din dito ang Kapuso actress na si Thea Tolentino.

Ani Thea sa kanyang Facebook account: “Nakita ko lahat ng posts tungkol sa baha, mga bahay na lumubog, malalang traffic at mga taong hindi makauwi.

“Hindi na normal ito…nakakagalit! llang taon na ‘tong paulit-ulit nangyayarı.

“Kelan ba tayo uunlad?!”

Panawagan ni Thea, dapat daw ay gamitin natin ang access sa social media para magsaliksik, magtanong at alamin kung sino ang mga karapat-dapat iboto sa susunod na eleksyon.

Giit niya: “Huwag ‘yung puro pangako lang. Tingnan n’yo kung nasaan tayo ngayon, hindi ba kayo nagagalit?

“Utang na loob, gumising na kayo!”

Hindi daw sapat ang apelyido, alyansa o pangako: “Dapat alam natin kung bakit natin sila ibinoboto!”

Bale ba, hindi pa daw malalang bagyo ang lagay na ito–kaya how much more?

Ang mas politically correct to put it–how much longer pa tayo magtitiis sa mga maling taong

ibinoto natin?! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here